Videoke - noong una ay karaoke pa lang ang tawag dito. Naalala ko pa noon na "minus one" at "multiplex" pa ang kinakanta ko. Isa akong munting bata na nagfi-feeling na maganda ang boses ko, hahahha! Noong mga panahong yon, siete anyos pa lang yata ako nun, napagdiskitahan na ako ng ninong ko na kumanta. Ngayon ko lang naisip, na kaya pala ganun ay dahil ako lang siguro ang nauuto nyang makikanta sa kanya! Heheheheh, hinde naman siguro pero sa totoo lang, pag me mga kantahan ako palagi ang sinasama nya.
So, ituloy natin ang kwento...Freddie Aguilar songs ang uso nun. At etong si Ninong, madaming tapes - minus one o multiplex, meron sya. Isang summer vacation, nagbabakasyon ako sa BF Las Pinas. Wala kame magawa, boring. Nagbakasyon lang ako sa Maynila kase since taga-Batangas ako, masarap mag Maynila kahit nakapainit - dahil dun lang ako nakakapag SM, hehehehe!
Unang pinakanta sakin - Freddie Aguilar and Sampaguita duet. Nakalimutan ko na ung title pero alam ko pa ang lyrics at ang tono. Tinitimpla pa nya boses ko nun -laliman ang hinga, lakasan ang boses at kung anu-ano pa. Mula nun, basta me bagong tape, tatawagin nya ako para kumanta. Bumili pa talaga ng karaoke at 2 microphone para makapag duet kame. At mula nun, ako lang ang kumakanta samin.
Paglipas ng panahon, nauso na ang videoke. Una VCD, tapos nagkaroon ng videoke na hinuhulugan ng limampiso. Mula noon, lahat ng bata kumakanta na, at nagulat ako, magaganda pala ang boses! Hinde ko alam kung nahasa lang ba ang mga boses kakakanta o me tinatagong talent lang pala. Kung dati wala ako kaagaw, biglang dumami kakompitensya. Kung nung una ako lang ang pinipilit ng nanay ko na kumanta, aba, biglang dumami na kame. Hinde pede yun. Papatalo ba ako? Kaya khit 5 oras ako kumanta at magngangawa, sige lng! Naranasan ko pang kumanta sa palengke na me videoke, deadma kung sinu-sino mga nandun! At me isang beses pa na dumayo pa kame sa pipitsuging beer house para lang kumanta sa videoke. At natakot ako dahil matapos kong kantahin ang "Crazy for You' ni Madonna e biglang nagdatingan ang mga truck driver. Dyosko! Labas ako agad pagkatapo at nag aya nang umuwi.
Dahil madami nagsasabing me boses daw ako (siguro totoo nga dahil sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang okasyon, at iba't ibang audience e me nagsasabi naman sakin ng ganon), feeling ko talaga ay singer ako. Nandyan na sumali ako sa isang singing kontest sa aming baranggay nung highschool-dahil kelangan ko ng pera nun! Me excursion kame kinabukasan nun, kaso wala kame pera at ayaw ako pasamahin ni Mama. Kaya lang nagtatampo ako nun, dahil 4th year na ako pero hinde pa ako nakakasama sa field trip! Ginawan ko ng paraan. Sinalihan ko yung singing contest!Pero syempre, hinde man lang ako napabilang sa top 3. Okay lng, me 200 pesos naman ako nun! 150 pambayad sa field trip, 50 pesos na allowance. Take note, 1996 na to!
Hinde pa natapos jan ang lahat.1998, nagkaroon ng singing contest sa Mapua. Mahigpit si Ninang nun, hinde pwedeng ginagabi, hinde pwedeng overnight. Dahil na din sa sya ang kargo sakin kaya gnon. Pero since matigas ulo, sumali ako sa singing contest sa school. Baket? Para makapanood ng beauty contest na sinalihan ng barkada ko! For sure kase hanggang gabi yun at hinde ako papayagan na manood ng contest. So gumawa ulet ako ng paraan. Sumali ako sa singing contest on the same day - me passes na ako na umuwi ng gabi! Idadahilan ko lang na gabi na natapos ang beauty pageant! Pero resulta ng pagkanta ko-talunan pa din!
Pero ok lang, at least naranasan ko naman na kumanta sa stage!
Hanggang sa nauso ang magic mic, magic sing, at kung anu-ano pang mic! Kahit nandito na ako sa Singapore ay hinde pa rin nawala ang hilig ko sa pagkanta. Me isang contest, mala-American Idol ang dating, hahahhaha, syempre, palalampasin ko ba yun! Sinalihan ko din - ending-audition pa lang, sorry na daw..
Hanggang sa dumating na ako sa point na nagsawa na ako kakasali ng contest - 3 contest lang yun pero ayoko na..bumili na lang ako ng Mediacom at nagngangangawa sa bahay at nang iistorbo ng kapitbahay.
Minsan, inaya ko mga girlfriends ko - Grace and Ghie -sa bahay para magkantahan. At since me bago din kameng TV na napanalunan ko sa online contest (Panasonic 50-inch plasma HDTV lang naman), ang sarap kumanta nun!
Jen: Tara, kantahan tayo sa bahay. Sakto me Mediacom kame!
Grace: Mediacom? Ano yun?
Ghie: Loka, anu ba yan! e di yung pinsan ni MediaCorp!
Grace: Ahh..sorry..Alam ko lang media-kol e..
kaloka!
FIND
Custom Search
Results
Monday, September 29, 2008
Videoke Tayo! Hinde ako Mahilig Kumanta..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment