I like reading..bata palang ako nun,nakakitaan na ako ng hilig pagbabasa. Matalino daw ako nung bata. At the age of 3 i can count hanggang 100 daw. At me Spanish version pa. matalino na yun nung mga panahong yon considering di pa uso promil nun..ala pa gaanong gifted child - at batang am ako, hahahah! syempre, di ko naman alam tong mga to - kwento na lng sakin to nung nagkaisip na ako.
3 Years old din daw I can write my name na.4 years old and I can read.And naaalala ko, i was 4 when Papa was in Saudi, and gumagawa ako ng love letters sa kanya non! O diba! Mama always ask me to write a portion sa mga letter na pinapadala nya kay Papa. I would remember na sa yellow paper pa kame sumusulat nun.
My mom was a fulltime housewife. Ang trabaho lang nya nun e ang mag-alaga ng 3 makukulet na bata -kame yun. 3 pa lng kame nung mga panahong yun. Di masasabing mayaman sina Mama during her child years. Pero can afford sila. Yung whitewesting house na ref na ammahal nung mga panahonh yon e meron sila. Paano kase, sa UP nagwo-work si Lolo at malakas ang tindahan ni Lola. Sari-sari store lang pero yun lang yata ung tindahan sa lugar namin. Plus makikita mo naman sa mga damit nila. pati na yung mga pictures sa studio. Grabe, every year yata meron! At sa mga Flores de Mayo - palaging sila ang Hermana Mayor!
So when I was 5 or 6, and being the eldest, katulong ako ni Mama maglinis ng bahay. As in tinataob namin ung bahay. Hanggang sa kasuluksulukang agiw e aalis, at kahit yung pinakamabigat na cabinet e ililipat para mapunasan ung ilalim. At merong part ng bahay na puro books, na sa sobrang kalumaan na e iniipis na, at kulay brown na yung mga pages. Yun yung mga unang books na nabasa ko. Encyclopedias - na kinukulayan pa namin nun (malay ba naman namin na mahal yon e luma na!), reader's digest ni Papa, meron pang mga magasins for Arnis, chessbook, literature books at napakadami pang iba. Noon, naalala ko na yung ung last part ng bahay na nililinis. At pag yun na, wla na, inaabot na ako ng mahigit 3 oras dun, kase lahat ng libro na mapagdiskitahan ko e binabasa ko. Kaya kameng 3, mahilig magbasa. Ako hanggang ngayon e enjoy pa din magbasa. Ewan ko lang yung 2.
Hinde ko na matandaan ano ung unang book na natapos ko basahin.basta ang alam ko, madami akong nabasa. At dun ko na-feel na masarap pala magbasa.Ang dami ko nalalaman.At ganun ang ginagawa ko every month na nag-general cleaning kame ng bahay. Yun din ang past time ko nung rumaraket si Mama sa palengke. Nagtitinda sya ng pansit bihon. Sarap magluto nun e. Agt nung mga times na nasa palengke si Mama, naiiwan kameng 3 sa bahay. And since wala kame kasama, at natatakot tong si Mama na baka kung san kame makaabot kakagala , she would lock the door. Yung bintana open, pero yung door naka-padlock. Para kameng preso, hahahah! Yung bintana pa namin nun e ung sinaunang binata, na pedeng-pedeng tumalon. And for that, nilagyan ni mama yun ng kawayan na ipinako na parang grills para hinde kame makaalis. So pag ganun, nagbabasa ako ng books.Wala kase kameng TV nun e. Nasira na yung TV na napanalunan ni Mama at Papa sa raffle nung kakakasal lang nila (which reminds me, kame din ni Cotaco ganun ah! heheheh!)
Pero d kalaunan, dahil mautak tong kapatid kong si Sherdon, pinukpok na yung isang kawayan. natanggal naman sa pagkakapako pero ung pako nakadikit pa den sa kawayan lng. So para kameng mga presong nakalaya nun! Hahahah, laro d2, takbo dun. At alam namin pag pabalik na si Mama. Normally 1 oras sya sa palengke pag mamimili lang. So kame, lalabas ng kulungan 10 mins after umalis ni Mama (baka kase bumalik at me naiwan e), at babalik kame sa loob 10 mins bago sya dumating. At never nya kame nabuking! hahahahah!
Dun sa munting library namin ako unang nakabasa ng slumbook. I was around 8. Grade 3. kalaki-laking notebook pa nun yung ginamit nila. Hinde katulad ng mga slumbook ngayon na ang gaganda at ambabango. Yung nakita ko, mala-scrapbook ung dating.Pero halatang pinaganda lang ng ballpen at kung anu-anong art. Ung mga crush, love, motto,at kung anu-ano pa, na nung mga panahong yon e wala akong kamuwang-muwang, dun ko nalaman. At umiral ang pagiging chismosa ng lola. Noon, itinatago ni Mama yung mga sulat na galing kay papa sa kabinet lang. Hinde nga yta naka-lock yun nun. So hayun,nabasa ko mga kaek-ekan nila.Hahahahah!Dun ko nalaman na me time na halos 4 months na di nakakapagpadala ng pera si Papa sa min.Delayed din daw kase ung pasweldo ng employer. Nag iisip ako tuloy na magaling dumiskarte tong Nanay ko. 3 na kameng nag aaral nun, puro raket lang sya kaya nagkakaroon ng datung. Me nabasa pa ako ng halos 2 months bago nakasagot sa sulat si Papa.
Mahilig si Mama sa mga artista. Peborit nya si Manilyn Reynes. Kaya naman, sangkaterbang magazine (di ko na matandaan yung name, basta yung k Cristy Fermin yun) ang nakita ko kung san lahat e me article about Manilyn. O dibah? Kaya parang ako e naging peborit ko din si Mane. Nung nauso ang pocketbook, syempre, adik din ako nun. Nung una, puro tagalog lang binabasa ko. Minsan kinakaya ko na sa isang araw e sampu yta nababasa ko, yung mga tig 150+pages per book. Kaso nanawa ako, pare-pareho storya. YUng tipong magkainisan dati, maiinlab. O kaya magjowang me 3rd party. Wla nang thrill basahin.
So bumalik ako sa aming munting library. Me nakita akong isang English pocketbook, ang kapal nun, mga 500 plus pages. At natapos ko sya ng 2 araw lang, over the weekend (Note: me gawaing bahay pang kasama yan). It's a story of a girl named Jonie - who was a very lively, cheerful, pretty eventually became paralyzed, until she learned how to use her mouth the write and paint. So the story is on how she gave up and hate the world for what happend to her, but with the help of few people who strengtens her faith e natanggap nya eventually and she even tried to live happily kahit ganun yung nangyari sa kanya.
minsan nasermunan ako ni Papa (matindi magsermon yun, daig pa pari sabi ni Mama. 3 oras ng walang hinto). Bumalik na sya galing Saudi. nabanggit nya sakin na magbasa daw ako ng Bible para hindi daw matigas ulo ko. So since mabuting bata naman ako sa pagkakaalam ko, i did. As in inumpisahan ko sa Genesis.Although hindi ko naman nabasa lahat. Me part dun, Psalms yata, na hindi ko mainindihan kaya lipat ako sa New testament. kaso, yung books of Matthew, Mark, Luke, and John, pare-pareho. Sabi ko, ay bakit ganun? So lipat naman ako sa Revealations. So I would say na madami naman akong nabasa sa Bible. Hindi nga lang lahat - at hindi ko kabisado.
Grade 6 ako nung madyo naging pabibo ako. Feeling ko nga kase e matalino ako. Although honor student naman ako ng Grade 1. Grade 2 pang-7 ako sa top 10 kaso 5 lang binigyan ng medal. grade 3 - kasama sa top 10 sa Religion. Grade 4 at Grade 5, palaging kulang ng point para makasama sa honor roll. Palaging 5 kinukuha nun at either pang 6 or pang 7 ako. Grade 6 nung nagkaroon nga mga pambato para sa quiz bee..As usual, salimpusa na naman ako..umaatend ako ng mga coaching nila after classes..enjoy naman. Kase natututunan mo na yung mga lectures before pa i-discuss sa klase. Pero one-week before the quiz bee, nilipat ako sa essay writing. Maryosep, kelangan pala dun e magandang magsulat (as in hand writing), dedma na ung content.. Anyway, after nun, nagkaroon pa ng isa pang contest - QUIZ BEE..1 buwan yata before nun e palagi kameng me spelling exam to identify sino magiging representative ng school. Sa kagustuhan kong magkaroon man lng ng medal ng Graduation - binabasa ko ung webster's dictionary! take note - hinde pocket dictionary ha, yung makapal! Ending - hinde nagkaroon ng representative school namin, dunno why.
Pero sa awa naman ng Diyos, dininig nya dasal ko - Achiever's list ako nung graduation namin nung grade 6. Me medal ako, kaso hinde na pala umaakyat mga parents nun. hanggang sa nag High school na ako.3 taon nabakante si papa after nya mangaling ng Saudi. And after 3 years, saka pa lang sya nagkaroon ng work. Ipinasok sya ni Ninang na electrician sa Mapua High sa Doroteo Jose. At tuwing matatapos ang schoolyear - makakakita na lang kame ng mga school supplies - recycled nga lang. Pinagtyatyagaan ni papa kunin yung mga ballpen (yung sumusulat pa naman syempre), staplers, bond papers, binders, folders, at kung anu-ano pa na pede namin magamit sa school. Meron pa ngang uwing mga libro. Yung Ibong Adarna, 3 yata yung nakuha nya. Mga drawing papers, gamit na gamit namin.Pati Noli Me tangere at El Fili meron din. Mga science books sa MITHS ang ginagawa kong refenrence book.
I was in my 2nd yr HS nung nag assign ang English prof asked us to read Beowulf as our homework. kaso yung nasa textbook, kulang, hinde tapos. Good thing my mom's old textbooks (take note, my English teacher used to be my mom's professor also when she was in High School) was still around. And yun, kumpleto. The next day - ako lang (bukod sa teacher namin) ang nakakaalam ng beowulf. Same as with Florante at Laura. napakalalalim ng mga Tagalog words! Ang patawa dun, yung teacher namin e sobrang sungit. pero ganado ako mag aral pag me exam, kase me extra reference ako, hehehehe! Isa yata ako sa nabigyan ng 91 na average sa Filipino nun, knowing na section B pa ako nun!
Yung Noli Me Tangere, before mag umpisa yung schoolyear, nakaka-15 chapters nako ng nababasa. Hanngang sa pagkatpos pa lang ng Noli, tpos ko na ang El Fili!
Lahat ng yan, dahil sa hilig ko sa pagbabasa. At malamang sa magka-part 2 to dahil sa hinaba-haba ng naisulat ko, hanggang high school lang to.
Korek? Korek ka Jen!
FIND
Custom Search
Results
Thursday, October 2, 2008
Munting Library
Labels:
basa,
beowulf,
bible,
books,
el filibusterismo,
encyclopedia,
florante at laura,
john,
korek ka jen,
Luke,
mapua,
Mark,
Matthew,
MIT,
MITHS,
noli me tangere,
quiz bee,
reading,
webster's dictionary
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment